Kagabi ay nagsagawa ang ilang empleyado at talents ng ABS-CBN ng rally para sa pag-suporta sa papapalawig sa prangkisa ng kanilang kumpanya. Isa sa mga malalaking artistang sumali sa pagtitipon ay ang bida sa programang “Ang Probinsyano” na si Coco Martin.
Ayon sa ABS-CBN, iginiit daw ni Coco na ang laban para sa ABS-CBN franchise renewal ay hindi lang laban ng mga artsita at empleyado ng kumpanya kundi ng sambayanang Pilipino.
“Hindi hahayaan na isang araw magising na lang ako na ‘yung pinagkakautangan ko ng loob, ng maraming empleyado, na nagbibigay sa amin ng hanapbuhay para matupad ang aming mga pangarap ay mawala ng lang nang bgila,” banat ni Coco.
Ang prangkisang ABS-CBN ay nahaharap ngayon sa matinding suliranin dahil mapapaso na ito sa huling bahagi ng Marso 2020. At hangganang ngayon ay hindi pa nagkakaroon ng pagdinig sa mababang kapulungan (kongreso) patungkol sa legislative franchise ng kumpanya.
Nitong unang bahagi ng Pebrero naman ay naghain ng quo warranto petition si Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema upang ibasura ang prangkisa ng kapamilya network. Ayon kay SolGen Calida, may mga paglabag at pang-aabuso sila ng nakita sa parte ng ABS-CBN.
“We want to put an end to what we discovered to be highly abusive practices of ABS-CBN benefitting a greedy few at the expense of millions of its loyal subscribers. These practices have gone unnoticed or were disregarded for years,” pahayag ni Solicitor General Calida.
Ilang beses naman nagsabi si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hahahrangin niya ang pagpapalawig ng prangkisa ng ABS-CBN. Ilan sa mga binigay na rason ng Presidente ay ang hindi umano pagpapalabas ng ABS-CBN ng kanyang campaign advertisement noong 2016 elections kahit na tinanggap ng network ang kanyang bayad. Hindi rin nagustuhan ng Pangulo ang pagpapalabas ng anti-Duterte ads ng ABS-CBN na kung saan mga bata ang nagsasalita laban sa kanya. Ang nasabing patalastas ay pinondohan ni former senator Antonio Trillanes.
Ang Laban para sa ABS-CBN Franchise ay Laban ng mga Pilipino – Coco Martin
Reviewed by today
on
7:58 PM
Rating:
No comments: