“HINDI PAMUMULITIKA ANG PANAWAGAN NA IPATUPAD ANG TOTAL TRAVEL BAN… Hindi ito pamumulitika. Panawagan ito na kumilos ang Administrasyon at unahin na iligtas ang ating mga kababayan sa kapahamakan at ipatupad ang total travel ban mula sa China. Ang pamumulitika ay ‘yung inuuna ang China at interes nito bago ang interes ng ating mga kababayan,”
Ganito ang boladas ni opposition senator Francis “Kiko” Pangilinan, matapos magsalita si Senador Bong Go sa nauna niyang banat na dapat tumuloy sa Malacañang ang mga galing China kung ayaw magpatupad ng travel ban kaugnay sa coronavirus outbreak.
“Nakiki-usap din ako sa ating mga kasamahan sa Senado na huwag naman po sana natin gamitin ang trahedya na ito para sa personal na pamumulitika… Hindi nakatutulong ang pag-spread ng fake news. Hindi rin nakatutulong ang pagsakay sa pulitika dahil hindi ito ang panahon para sa pamumulitika,. Unahin natin ang kapakanan at kalusugan ng bawat Pilipno,” sabi ni Senador Bong Go.
Magugunita na sinabi ni Senador Pangilinan na dumiretso ang mga biyaherong galing China sa Malacañang kung hindi magpapatupad ng travel ban ang gobyerno kaugnay sa coronavirus.
“Kung sa tingin ng gobyerno na ligtas ang ating mga kababayan at hindi kailangan ng travel ban sa mga galing ng China dapat mula airport derecho silang lahat sa Malakanyan,” patutsada ni Senador Pangilinan.
Kahapon ay nagbigay na ng direktiba si Pangulong Duterte upang pagbawalan ang mga galing sa anumang parte ng China na makapasok sa Pilipinas. Hindi sakop sa patakaran na ito ang mga Pilipino.
“Sa ngayon ay mag-i-implement na ng temporary travel ban on travelers coming from any part of China and its special administrative regions on top of the existing temporary travel ban imposed on those coming from Hubei province and other affected areas… Taking into consideration the concerns raised by key government officials and health experts, the President made a decision and has agreed to adopt this recommendation and implement it immediately as additional precautionary measure to protect the Filipinos. Sa ngayon ay magkakaroon na tayo ng travel ban sa lahat ng nanggagaling sa Tsina… Magkakaroon tayo ng temporary ban banning the entry of any person except Filipino citizens and holders of permanent resident visa issued by the Philippine government directly coming from China and its special administrative regions… Kung ibang bansa naman ang pinanggalingan mo pero nanggaling ka sa China within 14 days before arrival at hindi ka Pilipino o Philippine resident, hindi ka makakapasok sa Pilipinas,” sabi ni Senador Go.
Source: Kiko Pangilinan
Loading...
Inuuna ang China! ‘Yan ang Pamumulitika! – Kiko Pangilinan
Reviewed by today
on
8:04 PM
Rating:
No comments: