Watch! Kris Aquino, Umalma sa Joke ni Bong Go!



Hindi nagustuhan ni Kris Aquino ang biro ni dating Special Assistant to the President at ngayo’y senatorial candidate Bong Go tungkol sa dating niyang karelasyon na aktor na si Philip Salvador. Sa isa kasing campaign rally ng PDP-LABAN, pabirong sinabi ni Go na naloko umano ni Salvador si Aquino na naging daan para tumawa ang mga tao. Naging usap-usapan noong dekada nobenta ang relasyon ni Philip at Kris na nagbunga ng isang anak, si Joshua. Ang naturang video clip ng pagbibiro ni Go ay ibinahagi ni Kris sa kanyang Instagram account.

“Si Ipe parati ko po itong kasama dahil kaibigan talaga namin ni Pangulo at unofficially po kung meron po kayong nagawang kabutihan sa isang siyudad, ina-adopt po siya bilang adopted son of the city. Pero si Ipe po kakaiba ‘yung recognition na binigay sa kaniya, adopted father of Davao City po siya kasi po nag–iwan po siya ng apat na anak sa Davao… Totoo naman eh… naloko mo nga si Kris Aquino eh,” biro ni Go.

Ayon sa Instagram post ni Kris, nasaktan daw siya sa biro ni Go.

“So much hurt deeply in the past few days. I was shown this video while in Japan and had actually reached out to Senatorial Candidate Bong Go because turo ng Dad ko, panindigan mo na good sport ka… ‘Yun ang pagkakamali ko, may black eye nung Friday, napangahan ng Tuesday tapos nakita ulit na punchline ako sa campaign sortie at pinagtatawanan dahil nga ‘naloko’ ako,” sabi ni Kris.

Naging laman ng balita si Kris kamakailan lang dahil sa pagsasampa nito ng kaso laban sa kanyang dating financial manager na si Nicko Falcis. Nitong mga nagdaang araw ay ibinasura ng korte ang kasong isinampa ni Kris laban kay Falcis.

Noong Enero ay may nag-viral na audio recording ng isang babae na nagbabanta sa buhay ni Falcis. Inamin ni Kris na siya nga ang babae sa video pero dumipensa na pangba-bluff lang daw ang ginawa niya.

Inamin din ni Kris noong Enero na pinondohan niya ang isang anti-government blogger na si Jover Laurio (aka Pinoy AKo Blog) sa pamamagitan ni Falcis.

Source: GMA | Kris Aquino



Loading...
Watch! Kris Aquino, Umalma sa Joke ni Bong Go! Watch! Kris Aquino, Umalma sa Joke ni Bong Go! Reviewed by today on 8:08 PM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.